Nagulat siya sa tanong ni Gael. Paano ba niya sasabihin rito ang totoo. Una, hindi niya alam na ang pupuntahan nila ng kaibigan ay isang bahay-aliwan at hindi isang birthday party? Paano din ba niya sasabihin na ang nag-iisang kaibigan niya ay hindi niya lubusang kilala? At kaya muntik na siyang mapahamak ay dahil nagtiwala siya kay Jessa. “Doon ka ba pumapasok while I’m away, ah, Anya? Doon ka ba nagtatrabaho noong mga panahong nasa States ako?” galit na tanong nito. Huminto sa may gilid ng kama. Lalo pa niyang siniksik ang katawan sa headboard ng kama. Natatakot siya kay Gael. Pakiramdam niya, anumang oras handa itong hilahin siya at pilipitin sa leeg. “Sumagot ka, Anya!” sigaw nito at sinuntok ang kama. Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig rito. “Natakot mo ako, Gael,” amin niy

