Magdidilim na pero hindi pa sila tapos mamasyal tatlo. Si Ellise natawagan na nito ang asawang si Gavin. Samantalang s'ya at si Iya at hindi tinawagan ang mga asawa nila. Pareho sila ni Iya na nais pahirapan ang mga asawa na mag-isip kung nasaan sila. Alam n'ya ang ugali ni Gael, tiyak na magwawala 'yon pag nadatnan s'yang wala sa bahay at walang nakakaalam kung nasaan s'ya. Pinauwi na n'ya ang driver kanina, nakakahiya naman kasi kung paghihintayin n'ya ng matagal ang driver. "Mag ready ka na ng mga damit mo para pag laki ng t'yan mo ready ka na. And also just buy clothes na hindi nawawala ang curve natin," bilin ni Ellise. Isang dating model si Ellise kaya hindi na s'ya magtataka kung magaling ito pagdating sa pananamit. "Sige," sagot n'ya. Wala s'yang pera, dahil hindi naman s'ya pu