"Gael ex girlfriend?" Bulalas ni Ellise at Iya ng magkita silang tatlo sa bagong bukas na boutique ni Ellise. Matapos silang mag lunch ni Gael kanina agad na s'yang nagpaalam sa asawa na makikipag kita kina Ellise at Iya. Sinabi n'yang nagpapatulong s'ya sa dalawa para pumili ng evening dress n'ya. Inamin din n'yang ayaw n'yang matalbugan ni Layla, kahit nais n'yang maging maganda at kaakit-akit sa paningin nito. Sinabi naman ni Gael sa kanya na kahit naka uniporme pa s'ya o pajama ay s'ya pa rin ang titignan ng asawa, dahil s'ya daw ang asawa nito at s'ya daw si Anya. Bagay na lalo n'yang kinikilig kay Gael at kinataas ng confident n'ya. "I can't believe na magiging pare-pareho ang mga problema natin sa mga asawa natin," sabi ni Ellise. Habang pinamimili s'ya ng maisusuot para bukas.