Anya's POV Pagkatapos nilang kumain ni Gael, inihatid s'ya ng asawa sa locker room, gusto daw kasi nitong makita kung ano ang itsura ng locker room nila. Nakasalubong nila si Pamela na agad silang binati nito. Magalang at nakangiti ito sa kanila. Kung hindi lang n'ya kasama si Gael, panigurado pagtataasan s'ya ng kilay nito o di kaya naman hindi man s'ya nito babatiin. Tumango lang si Gael kay Pamela at nagtuloy na si Pamela sa paglabas ng locker room. "Maayos naman pala ang locker room," sabi ni Gael matapos maikot ng mga mata nito ang buong silid. "Oo," sagot n'ya at nag time in na. Yayahin na sana n'yang lumabas si Gael ng bigla s'yang hilahin nito sa kamay at kinabig. "Gael," tili n'ya. Naramdaman n'ya ang kamay ng asawa sa bewang n'ya. "I miss you Anya," bulong nito. S'ya din n