Anya's POV Dahan-dahan s'yang nagmulat ng mga mata. Una n'yang nakita ang puting kisame, sumunod ang puting paligid ng isang silid. Nahulaan na n'ya kung nasaan s'ya nasa isang silid s'ya ng ospital. Namapumalagat s'ya bigla at liningon ang paligid doon pa lang n'ya napansin ang taong nakayuko sa may gilid ng kama n'ya na nakahawak sa kamay n'ya. "Gael," tawag n'ya sa lalaking nakayuko sa tabi n'ya. Napangiti s'ya kung ganoon hindi si Gael ang tinamaan ng pumutok na baril kanina. Nawalan s'ya ng malay ng makarinig ng malakas na putok habang nagaagawan si Gael at Lyn sa baril. Natutuwa s'yang hindi nasaktan ang asawa. "Gael," tawag n'ya muli sa natutulog na asawa at hinaplos ang gwapong mukha ng asawa. Gumalaw si Gael ng maramdaman ang paghaplos n'ya. Mabilis n'yang inalis ang kamay pa