Kinagabihan nagtungo s'ya sa kusina, para sana tumulong kay Nanay Belen sa paghahanda ng hapunan. Umalis kase si Gael, nagpaalam na pupunta sa mga tauhan sa asyenda kasamang umalis ng asawa ang binatilyo na anak ni Nanay Belen. "Tulungan ko na po kayo," presinta n'ya ng makitang naghihiwa si Nanay Belen ng patatas. Nagpapaluto daw kase ang asawa ng bulalo. Sariwang karne at sariwang gulay ang nakita n'ya sa may lababo. "Nako Ma'am ako na lang po," tanggi ni Nanay Belen. Pero tumulong parin s'ya, naghugas s'ya ng mga sariwang gulay. Sanay s'ya sa trabahong bahay, halos s'ya naman noon ang gumagawa sa gawaing bahay nila. Sa bahay naman ni Gael halos wala na din s'yang matrabaho, dahil may mga kasambahay na roon na s'yang nag-aasikaso sa bahay. S'ya paminsan-minsan pinaghahanda n'ya ng a