Anya's POV Pag gising n'ya wala na sa silid ang asawa. Si Nanay Belen ang nabungaran n'ya. "Si Gael po?" Agad na tanong n'ya. "Umalis lang po saglit si Sir Gael, maya-maya lang po n'yan babalik na," sagot ni Nay Belen. Tumango s'ya at pilit na bumangon mula sa pagkakahiga. Masakit ang ulo n'ya sobrang sakit. "Gusto n'yo po ng maiinom?" "Yes, please," agad na sagot n'ya. Nauuhaw s'ya. "Saan po nagpunta si Gael?" Tanong n'ya ng iabot ni Nay Belen ang bottled water. "May inasikaso yata," tipid na sagot nito. "Kanina pa po ba s'ya?" Tanong n'ya ulit. Nais na kasi n'yang makita ang asawa. Ilang araw silang hindi nagkita ni Gael, tapos ganito pa ang nangyari sa kanya. Napakagat labi s'ya. "Pabalik na siguro si Sir Gael," sabi ni Nanay Belen. Tumango lang s',ya at sumandal sa headbo