"Pwede tayong pumasok sa kweba?" Tanong n'ya kay Gael matapos ang mahaba-haba nilang halikan. Ngumiti ito tila nais pang abutin muli ang kanyang mga labi. Pilya n'yang iniwas 'yon sa asawa. Ngumiti ang asawa sa ginawa n'yang pag-iwas, tila lalong sinasabik ang asawa. "Sure," sagot nito at napansin ang paghihirap n'ya sa suot na bestida. Pilit kasing tumataas 'yon. "I guess much better if you take off your dress," suhestion nito. "Ah?" Gulat na tanong n'ya. "I'm not gonna do anything Anya, I've told you I will not do anything against your will," sabi nito. Marahil napansin ang pagaalinlangan n'ya sa suhestion nito. "Beside I already saw you in one piece. Same lang naman 'yon ng two piece," pilyong sabi nito. Napangiti s'ya, nakita na nga naman s'ya ni Gael sa pinaka manipis n'yang sapl