Pagdating sa may batis. Liningon s'ya ni Gael at hinawakan sa kamay. "I know you can do it," pagpapalakas nito sa loob n'ya. Ngumiti s'ya at tumango sa asawa. Wala s'yang dapat katakutan dahil kasama n'ya si Gael. Kasama n'ya ang asawa n'ya. "Let's go," yaya n'ya kay Gael. Tumango si Gael at pinatay na ang makina ng kotse. Sabay na silang bumaba ng kotse ni Gael. Pagbaba n'ya sinalubong s'ya ng sariwang hangin. Ginala n'ya ang mga mata sa paligid, matagal-tagal na rin ma ng huling beses na magtungo s'ya sa batis at sa paglipas ng mga taon, napansin n'yang gumanda ang buong paligid ng batis. "Wow," anas n'ya sa ganda ng kapaligiran. "Maganda pa rin dito hindi ba?" Tanong ni Gael sa kanya ng makalapit ito sa kanya, at agad na inapit s'ya sa bewang. "Oo, walang pinagbago Gael, maganda