"Are you ok?" Tanong ni Gael sa kanya habang tinatahak ang daan patungo sa condo na tinutuluya ni Layla. Tinotoo n'ya ang pagsama sa asawa, para mabantayan si Layla. Iba kasi ang pakiramdam n'ya kay Layla. Kahit hindi n'ya tanungin si Gael alam n'yang mas may edad si Layla kay Gael. At marahil noong magka relasyon ang dalawa ay pumatol lang si Gael for adventure, tulad ng mga kabataang lalake na naghahanap ang adventure sa babae. 'Yan ang nakikita n'yang dahilan ni Gael sa pagpatol kay Layla, although Layla is beautiful and attractive plus kung manamit ay halos wala ng natatakpan. "I'm ok," sagot n'ya. "Baka nagugutom ka na, pwede tayong mag drive thru," "Huwag na busog pa naman ako," tanggi n'ya at buti na lamang napigilan n'ya ang sarili na banggitin ang pag attend n'ya sa birthday pa