"What are you doing here Anya?" May galit na tanong ni Gael sa kanya. Agad n'yang binawi ang braso kay Dylan at lumayo ng kaunti kay Dylan. Bakit naman kasi sa tuwing mag-uusap sila ni Dylan at nakikita sila ni Gael, tila sinasadya ng pagkakataon na subukan ang pagsasama nila ng asawa. "Pinatawag ko s'ya Gael," si Dylan ang sumagot. "And who do you think you are para basta mo na lang ipatawag ang asawa ko?" Matigas na tanong ni Gael kay Dylan at marahas s'yang hinila ni Gael sa braso at inilagay sa may likuran nito, binitawan nito ang kamay n'ya at hinarap si Dylan. Hindi na s'ya magtataka kung mag-aaway ang dalawa. Sa harap nga ng maraming tao nag-aaway ang mga ito. Lalo na ngayong silang tatlo lang sa loob ng silid. "Empleyado pa rin s'ya rito," sagot ni Dylan. May point naman ito.