Inihatid s'ya ni Gael sa may parking lot matapos ang lunch nila sa opisina nito. Alam n'yang sinadya s'yang ihatid ng asawa sa sasakyan para maiwasan n'yang makita si Dylan. May balak pa naman s'yang kausapin si Dylan, nais n'yang tanungin ito kung ano ang mga sinabi ni Lyn rito. "Thank care yourself," sabi ng asawa sa kanya at hinalikan pa s'ya sa mga labi bago pinagbuksan ng pintuan sa likod ng kotse. Pagsakay n'ya at sinabihan pa ang drama ni Gael na mag ingat sa pag mamaneho pauwi. "See you later Gael, I love you," paalam n'ya sa asawa. "I love you," sagot nito bago tuluyang sinara ang pintuan ng kotse. Habang umaandar ang kotse nagdadalawang isip s'yang i text si Dylan. Nais n'yang makipag kita kay Dylan para mapag-usapan nila si Lyn, pero nais n'ya ay sa lugar na siguradong hindi