Gael's POV Tatlong araw ng wala si Anya, hindi ito pumapasok sa trabaho. Nakahalata ang Papa n'ya na wala si Anya. Kanina tinawagan s'ya ng ama sinabing nais s'ya nitong makausap. Alam naman n'yang tungkol sa asawa ang nais pag-usapan nila ng ama. Kailangan ihanda na n'ya ang sarili, panigurado sandamak-mak na sermon ang ibibigay ng ama. Alam n'yang nasa asyenda si Anya. Pagdating palang roon ng asawa ay tinawagan na s'ya ni Nanay Belen para sabihin naroon ang asawa. Sinabihan daw ng asawa na huwag sasabihin sa kanya na nasa asyenda ang asawa. Pero dahil daw sa biglaang pagsulpot ni Anya doon na mag-isa ay hindi daw mapakali si Nanay Belen kaya tinawagan na s'ya para sabihing naroon ang asawa. Kung paano narating ng asawa ang asyenda ay hindi n'ya alam, pero isa lang ang nasisiguro n'ya