Pagdating sa bahay agad ng naghanda si Gael ng makakakain nila. Pauwi na din si Gideon ihahatid nina Giovanni at Iya. "Are you sure ikaw ang magluluto ngayon?" Tanong n'ya kay Gael. Habang nasa kusina sila. "Yes, only for you sweetheart," sagot ni Gael. Napatili s'ya ng bigla s'yang buhatin ni Gael at iupo sa malamig na lababo. "Gael!" tili n'ya at napahampas pa s'ya sa balikat ni Gael. "Ipagluluto muna kita ngayon, lagi na lang ikaw ang nagluluto para sa akin," sabi nito sa kanya habang halos kahibla lang ang layo ng mga mukha nila sa isat-isa. "Nagugutom ka na ba?" Tanong ni Gael sa kanya na tila may nais ibang pahiwatig sa kanya at nakuha naman n'ya ang nais nitong ipahiwatig. "Hmm," tanging sabi n'ya. "Please Anya, I miss you," lambing nito at hinalikan s'ya sa pisngi. "Makak