Sophia's Point Of View* Balik trabaho na naman ang ferson kaya nandito kami sa Opisina at katabi ko si Khaled habang nasa meeting siya ngayon. At gusto ko ng matulog dahil nakakabored talaga ang mga ganitong bagay na makinig ng mga reports na walang katuturan. Tiningnan ko ang report nung lalaki na proud na proud pa siyang nagsasalita sa harapan pero nabobored lang ako sa mga sinabi niya. Parang narinig ko na ang ganyang concept noon eh parang binalik lang niya ang nakaraan. Bigla na lang may nagtext bigla kaya tiningnan ko ang cellphone ko pero mali ang pagtingin ko kasi madilim dito dahil may PowerPoint presentation at ang cellphone ko ang lakas ng ilaw kaya agad kong pinatay. At salamat di napansin ni Khaled ang ganung bagay. Tumingin ako kay Khaled at hinawakan ko ang kamay niya

