Sophie's Point Of View* Natigilan naman siya sa sinabi ko at may pagkunot pa sa noo ngayon. Bigla niyang kinuha ang cellphone niya at may tiningnan siya doon na kinatingin ko din doon. "Ano yang tinitingnan mo?" "Tinitingnan ko kung April ngayon baka kasi April Fools mabuti na at handa." Ako na ngayon ang nakakunot ang noo dahil sa sinabi niya kaya ayun binatukan ko. "Parang hindi kaibigan ha. Nakaka offend ha." Pero di niya pinakinggan ang sinasabi ko at napakamot naman siya sa ulo niya. "Ewan ko sayo tara na nga gutom na ako hindi pa ako kumakain ng Almusal." Maaga kasi akong umalis sa mansion ehh. At kung malalaman ni Khaled ang tungkol sa ganung bagay ay siguradong magagalit yun. "Bakit di mo sinabi? Tara na nga at gutom na din ako." Lumakad na kami papunta sa Elevator at nak

