Sophie's Point Of View* Nagbabalot na kami ng gamit dahil sa Honeymoon namin sa Italya ng isang linggo! "You really look excited, Wife." "Oo naman sinong hindi magiging excited eh ang bansa mo ang pupuntahan natin." Tumango tango naman siya at napansin ko na nag aalala ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Napahinto ako sa paglagay ng gamit sa maleta. "Hubby?" Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang pisngi niya habang nakatingin sa mga mata niya. "Ayos ka lang? Di naman masama ang pakiramdam mo noh?" Ngumiti siya at umiling. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. "Kung ano man ang madiskubri mo sa lugar na yun ay sana di magbabago ang isipan mo na pinakasalan mo ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Ang mean ba niya ay yung pagiging Mafia niya? Tiningnan ko ang