Sophie's Point Of View* Napamulat ako at nakaupo ako ngayon sa isang kama at ang dilim ng paligid at kahit dim lights ay wala. Naghanap ako ng bintana pero walang bintana ang kwartong ito. Maririnig mo pa ang crickets sa labas. Ibig sabihin hindi pa sumisikat ang Araw. Gumising ako mga 1am or 2am nun tapos nagtravel kami sa sasaktan mga 30 minutes at baka nakatulog lang ako ng Isang oras lang. Yun ang estemate ko. Pero nasaan ako? Bakit ako napunta sa lugar na ito? Inalala ko kung ano ang nangyari nang maalala ko na dinakip si Khaled at pupuntahan namin siya pero dahil sa tubig nawalan ako ng malay. Bakit may pangpatulog sa Mineral water? Plinano na ba yung ilagay doon sa sasakyan para mainom ko? Teka may traydor sa mga Bodyguards ni Khaled! Baka may kinalaman sila sa pagpatay sa

