3rd Person's Point Of View* Tinapon ng Boss nila ang hawak nitong wine glass dahil naisahan sila ni Khaled. Nabalitaan nila na nahuli si Math na kasabwat nila sa pangyayari sa Family Dinner at lalo na ang sniper nila ay napatay. Wala man lang silang nabalitaan tungkol sa anong mga nangyari sa loob ng Dinner Area. "Damn! Paano nahuli si Math! Imposible na maging traydor siya dahil gusto niya na siya ang mamumuno sa Mafia. Damn! Apat na taong nanunuluyan bilang gwardya ang sniper natin tapos ganito ang nangyayari? Napatay siya ng hindi natin alam kung ano ang nangyari!" Napakamao siya dahil sa galit na nararamdaman. "Hindi ko alam na mas matindi na ang pakiramdam ng Khaled na yun sa mga spy sa loob ng teritoryo niya. Hindi tayo nag iingat." "Pasensya na po, Boss." "Ang mga spy sa man