Sophie's Point Of View* Nakatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Umupo ako sa tiyan niya at umupo siya kaya sa binti na niya ako nakaupo ngayon habang kaharap sa kanya. "What do you mean?" Maang maangan ko sa kanya. Baka may iba pa kasi siyang sasabihin sa akin. "Just answer my Question. Kung malalaman mo ba ang tinatago kong sekreto ay lalayuan mo ba ako?" "Bakla ka ba?" Nagulat siya sa sinabi ko. Baka yun kasi sekreto niya eh. Baka lang naman. "Gusto mo ipakita ko sayo kung bakla ba ako o hindi." "Nahh, no need to do that. Naintindihan ko. Hmmm... may anak ka ba sa labas?" Nanlalaking matang ani ko sa kanya at pinagpapalo ko pa ang braso niya dahil sa inis. "No, wala, Wife." Pinigilan niya ang kamay ko at nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi din yun. "Ano ba kasi