Sophie's Point Of View* Nakatingin ako kay Khaled. Teka bakit pakiramdam ko parang nahuli ako? Abnormal na talaga ako noh? Kaibigan ko lang si Buhaw. "Sagutin ko muna kaibigan ko ha." Napabuntong hininga si Khaled at tumango. Hinawakan ko ang kamay niya at lumakad na kami at kasabay nun ay sinagot ko na ang tawag ni Buhaw. "Oh, napatawag ka, Bughaw? May problema ba?" "Ah wala naman at nakikikumusta lang. Mag iingat ka ha marami kasing gustong pumatay sa Asawa mo baka madamay ka pa." "Sus, wag kang mag aalala dahil ako ang bahala sa asawa ko. May lakad pa kami eh sige baba ko na ito ha." "Okay, take care." "Hmm." Binaba ko na. Akala ko kung ano ang sasabihin niya eh. Nag aalala tuloy ako sa kanya baka napaano siya. "Let's go?" Tumango naman siya at lumakad na kami. Mabuti hindi

