Sophie's Point Of View* Kinabukasan... Nakahiga kami ni Khaled sa kama at umaga na pero di pa din siya tumatayo at yakap yakap niya ang tiyan ko. "Khaled, umaga na. Tayo na tayo." Napamulat naman siya at tiningnan ako at hinalikan niya ang labi ko na kinagulat ko. Bakit naman agad nanghahalik? Addict na talaga siya sa labi ko. "Good Morning, Wife." Tumingin din siya sa tiyan ko at hinaplos niya iyon. "Good Morning too, little buddy." Natawa na lang ako sa sinabi niya. Grabe hindi pa siya naririnig ng anak namin dahil fetus na yun. "Di ka naman siguro naririnig ng anak mo." "If I always do this everyday ay makikilala niya agad ang boses ko." Napatawa na lang ako. "Ewan ko sayo. Tayo na gutom na kami ng anak mo." Bigla naman siyang tumayo at ang laki pa ng ngiti niya. "Tayo

