Rijhen Delavega Matthew dropped a bag of money onto the backseat. Kasama na rin doon ang perang napanalunan niya sa 1st round ng laro nila ni Eldon kanina. "Ano bang gagawin mo sa mga perang 'yan?" I asked as we got inside the car. Sabay naming isinuot ang mga seatbelt namin. Binuhay ko rin agad ang makina ng sasakyan. "Iniipon ko," sagot niya, na ikinalingon ko sa kanya. “I’m going to start my own business.” Pinaandar ko na rin ang kotse. “You’re going to use money from illegal gambling?” “At least I didn’t steal it.” I just laughed and shook my head at his answer. Pinabilis ko na ang takbo sa kotse dahil medyo nabawasan na ang mga sasakyan sa kalsada. Ala una na rin ngayon ng madaling-araw. "Kumain na muna tayo bago umuwi," aniya. "Hindi pa ako nagugutom," sagot ko naman, kahit

