THIRD PERSON POV "Find her! Don't stop until you see her!" mariing utos ni Bernardo sa dalawa niyang bodyguard. "Yes, boss!" Agad din naman ang mga itong tumalima at hinanap sa dami ng mga tao si Chezca. Inilabas ni Bernardo ang cellphone niya at sinubukang tawagan ang cellphone ni Chezca. Naririnig niya itong nagri-ring, ngunit hindi sumasagot ang dalaga. Samantala, matapos maisuot ni Chezca ang mga sapatos niya ay agad siyang humawak sa mga balikat niya. Ngunit napahinto siya nang hindi na niya mahawakan pa ang shoulder bag niya. "Huh? Nasaan na 'yon?" Nagpaikot-ikot pa siya at tiningnan ang katawan, ngunit wala ang hinahanap niya. Kinapa-kapa rin niya ang bulsa niya sa pagbabakasakaling nasa bulsa niya ang cellphone. Ngunit maging iyon ay nawawala rin. "Naku naman, naiwan ko

