CHAPTER 48: Flatline

2430 Words

THIRD PERSON POV "At sa tingin mo ba deserve ni Chezca ang isang killer na tulad mo?" maanghang na tanong ni Stanley kay Bernardo. Gumalaw ang panga ni Bernardo sa matinding galit. "Wala ka nang pakialam—!" Naagaw bigla ang atensyon nila nang malalakas na putok na nagmula sa labas ng bahay, na nilikha naman ng isa sa mga agent. Napalingon sa pinto sa Bernardo at Fausto, habang si Stanley naman ay nananatili ang mga mata sa asawa. Pasimple niya itong sinenyasan. Agad din namang tumango si Chezca at malakas na kinagat ang braso ni Bernardo. Napasigaw sa gulat at sakit si Bernardo. Nabitawan nito ang remote control at nahulog sa sahig, maging si Chezca. Dahil nakaposas ang mga kamay at paa ni Chezca, wala siyang balanse at agad ding bumagsak sa sahig. "Damn it! You b***h!" sigaw ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD