Chezca M. Montgomery "Stanley! Aaay!" napasigaw akong bigla sa gulat nang kamuntik na siyang mawalan ng balanse sa pagbaba sa helicopter at kasalukuyan niya akong buhat. Tumawa naman siya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. "Easy, baby. I haven't even dropped you on the bed yet, and you're already yelling my name." Ako naman ang natawa. "Tse! Akala ko babagsak tayo." "That will never happen. We already fell for each other." Natawa naman akong muli. He was still wearing his wedding suit, while I had already changed into my reception gown—simpler, yet still elegant compared to the one I wore earlier in the church. Lasing ang mahal kong asawa, kaya may kaingayan siya ngayon. Pinilit pa rin niya akong buhatin, pero tiwala naman akong hindi niya ako mabibitawan. Sa wakas ay nakabal

