Chezca Mendoza Montgomery "My wife... You look so—" "Close the door," I said immediately. Nilapitan ko rin kaagad ang pinto habang hawak ang palda ng gown ko at mabilis itong isinara. Ikinandado ko rin ito agad. "Sweetheart, what are you doing?!" he called out, knocking. "Why won't you let me in?! I want to see you!" Huminga ako nang malalim dahil sa matinding inis at panibughong nararamdaman ko sa dibdib ko. Hinarap kong muli sina Ms. Isabella at ilan niyang assistant na naririto. Nabasa ko ang pagtataka sa kanilang mga mukha. Pero si Ms. Isabella ay may munting ngiti pa rin sa labi, na para bang nahuhulahan na niya ang nangyayari. "Ahm..." Muli akong lumapit sa kanila. "That's fine... so your husband won't ruin the surprise," nakangiting turan ni Ms. Isabella. "Y-Yeah..." sagot

