THIRD PERSON POV "Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Catherine habang nilalapatan ng bulak na may Betadine ang sugat sa pisngi ng anak niyang si Matthew. Napapangiwi naman sa sakit si Matthew. "Nagmagaling na naman kasi 'yang anak mo," sagot ni Maclin habang nakatayo sa harapan nila at hawak ang tungkod. Makikita ang disappointment sa mukha habang nakatitig sa apo. "Akala mo, kayang-kaya mo lahat. Masyado kang mayabang! Ni hindi mo nga napalagan 'yong babaeng 'yon! Ang laki-laki ng katawan mo! Tapos sasabihin mong mahina siya!" Muling kumuyom ang mga kamao ni Matthew kasabay nang pag-igting ng panga niya. "Hindi ko lang kayang lumaban sa isang babae," mahina ngunit mariin niyang sagot. Binigyan naman siya ng makahulugang tingin ng ina, na alam na niya ang ibig sabihin. Huwag nang su

