Matthew Mendoza PAGLABAS ko ng banyo ay may kadiliman na ang buong paligid. Lampshade na lang sa gilid ng kama ang tanging nakabukas, at nakikita kong tahimik nang nakahiga si Rijhen sa kama. She was facing away from me. A blanket covered the lower half of her body. I smiled when I saw the two pillows placed in the middle of the bed, at bakante ang kabilang bahagi niyon. Lumabas na rin ako ng banyo habang pinapatuyo ng tuwalya ang buhok ko. Suot ko na ang damit niya na ipinahiram niya sa akin. I couldn't explain what I was feeling right now. I had been smelling them since earlier—even this towel I was using. They smelled so good, at pakiramdam ko rin ay niyayakap ako ngayon ng mga damit niya. Siya ang nai-imagine ko sa mga damit na 'to at kasyang-kasya lang sila sa akin. Pag-aari niya

