THIRD PERSON POV "Your secretary won't lie to me!" sigaw ni Selenah sa asawang si Skipper kasabay nang pagbato niya dito ng isang babasaging baso. Nagulat naman si Skipper, pero dahil sa reflexes niya bilang dating undercover agent, mabilis niya itong nasalo. Tumalim ang tingin ni Selenah sa asawa kahit inaasahan na niyang mangyayari 'yon. Muli siyang naghagilap ng iba pang bagay sa kusina. "Baby, just listen to me—Selenah!" napasigaw muli si Skipper nang batuhin siyang muli ng asawa ng isang babasaging plato naman. Pero agad din niya itong nasalo at agad na ipinatong sa mesa. "Stop that! Let's talk properly, okay? Sa tanda ko na bang ito, mambababae pa ba ako? Kailan ba ako nambabae?!" Muli niyang nasalo ang isa pang baso na ibinato nito sa kanya. Sumunod ang isang kaldero at kawali

