Ruby: Kasalukuyan kong inihahanda ang kama namin ni Jacob dahil gabi na habang siya naman ay nasa banyo at naliligo. Ng matapos ako ay naboring ako dahil hinihintay ko pa siya kaya naman naisipan ko munang buksan ang laptop niya para maglaro dahil may mga games dito na nilalaro ko. Nakabukas ang WiFi ng buong mansiyon kaya naman automatic na nacoconnect agad ito sa laptop. Habang nasa kalagitnaan na ako ng paglalaro ay biglang tumunog ang yahoo mail niya at may nagpadala ng mensahe. Hindi ko agad pinansin yon kaya lang ay naka apat na sunod sunod na ito kaya naman ay nagpasiya ba akong tawagin siya. "Hub may nag pm sayo sa ym mo." Sabi ko ngunit hindi sumasagot si Jacob na halatang hindi ako naririnig. Kaya naman ay agad kong binuksan ito at laking gulat ko na tumambad sakin ang mga