Haplos haplos ko ang aking tiyan habang pababa ako ng hagdan. Hindi pa ako tuluyang nakakababa ay rinig na rinig ko na ang galit na boses ni Aeolus at ang pag-iyak ng dalawang batang babae. "Who told you to ruin that car? Twyla and Trixie, for goodness sake! That car is worth a millions!" Dali dali akong naglakad pababa at nakita ang aking mag-aama sa salas. Nakayuko ang aking mga anak at humihikbi habang si Aeolus ay nasa harapan ng mga ito at galit na galit. "What happened? Why are you scolding them?" umupo ako sa couch at agad namang yumakap sa akin ang dalawa at mas lalong umiyak. Inabot sa akin ng Nanny nila ang dalawang towels kaya nilagay ko iyon sa kanilang likod at towel ko naman ang pinangpunas ko sa kanilang mga luha. Ngayon lang sila napagalitan ng ganito ng tatay nila.