Tahimik ako habang iniempake ang gamit ko at ni Trixie. Aalis na kami dito kasi alam ko na magkakasakitan lang kami ni Aeolus. I will leave here for the better. Para saan pa kung mananatili pa ako rito? Wala rin namang mangyayari. Nasa kandungan ko si Trixie na tahimik lang din at paga din ang mata dahil sa kakaiyak. Naawa ako sa mga anak ko dahil kailangan pa nila masaksihan ang ganoon na eksena. Nang matapos ako mag-empake ay pinaliguan ko na si Trixie. Pati ako ay naligo na din. Pinatulog ko muna siya bago ako nagpunta sa kwarto ni Twyla. Nakita ko itong nagd-drawing pero agad kong naagaw ang atensyon niya. Tumingin ito sa akin saglit bago sa dinadrawing niya. Napangiti naman ako at naupo sa harap nito. "Hi," bati ko dito. Hindi ito tumingin sa akin kaya mapait akong napangiti. B