Hindi ko alam kung saan nakuha ng mga media ang balita na dadating ako sa Pilipinas. Paano ba naman kasi, pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng airplane ay sinugod na agad nila ako. Mabuti na lang talaga at may security guards ang airport at hindi agad nila ako nadumog. "Si June talaga ang may pakana kung bakit alam nila na nandito ka sa Pilipinas, Haley," pagsisimangot ni Jessa na nagigitgit na rin ng mga press. "Nag-upload siya sa social media ng 'see u, philippines. goodbye, america. #leavingabroad.'" pagpapatuloy ni Jess. Narinig ko ang pag-singhap ni June. "Aba, ang kapal ng apog mo. Hindi ko hahayaan na mahulas ang make up ko dahil sa pawis kaya hindi ko sinabi. 'Tong palakang 'to, bintangera," ani June. "Gawa gawa ka pa ng kwento, tusukin kita riyan e!" Gising na gising si Trixi