“OKAY…THE place is good,” sambit ni Sonja habang inililibot sa kabuuan ng silid na iyon ang kanyang paningin. Balot na balot siya ng kumot at halos malunod sa napakalambot na kama at mga unan. But everything felt so good, kaya naman hindi pa siya tumatayo kahit naninibago siya sa kinaroroonan niya. “The scent was even better. Pero…nasaan ba talaga ako?” At tila bilang kasagutan naman ay bumukas ang pinto sa kanang bahagi ng silid. Out came Rodjan, clad only in towel around his waist, his hair was still dripping with water. Napasinghap siya at itinakip bigla ang isang palad sa kanyang mga mata. Pero…hindi rin siya nakatiis. Sinilip niya sa pagitan ng kanyang mga daliri ang binata. Wow! Masculados hombres! Napakakisig nito. At wala ni anomang bakas ng tattoo o piercing sa kata