Chapter Thirty Five MARIZ KUNG kailan gusto kong bumagal ang oras ay siya namang kabaliktaran. Kanina lang ay nasa gym pa ako at nagsusulat sa tally sheet ngayon ay nakaupo na naman ako sa front seat ng sasakyan ni Adrian. "Okay ka lang?" tanong niya sa akin. Marahan niyang pinisil ang kamay ko. Nagiging mannerism na ni Adrian ang paghawak sa kamay ko hindi lang sa pagmamaneho pati na rin sa paglalakad. Natukso tukso pa nga kami kanina pero syempre, wa pakels. Huminga ako ng malalim saka tinignan ko siya. Bakit ang kalma niya? Habang ako parang maiihi na sa kaba at para akong mabibitay sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Ah kasi parents niya yon. Pero don't worry self, magiging parents mo rin yon. IF hindi ka nila kakawawaain. Wag naman sana. Hindi ako ready makipag gera. Syempre joke