Final Chapter MARIZ "ONE, two, three isa pa," ngumiti ako noong sinabi ng taga picture namin yon. Maliban sa magandang set up ng simbahan, nag hire rin si Adrian ng photographer and videographer. Ang sabi ko ay wag na pero si Adrian mapilit. "Ang video at picture ay collection of memories natin. Kaya sa ayaw at sa gusto mo mahal magha-hire tayo." Yan ang sinabi niya sa akin kaya naman ay hinayaan ko lang. "Oh friends na po sa next picture," mabilis na tumakbo si Cris sa tabi ni Adrian. Naglambitin siya sa braso ni Adrian. "Hala! Nakatali ka na talaga!" wika ni Cris na siya namang ikinangiwi lang ni Adrian. "Sssh! Quiet nga Cris! Magpipicture na oh!" sita naman ni Cathy na nasa tabi ko. Buhat buhat niya si baby Joca na napaka behave kasi hindi man lang umiyak. "Oh heto na. On