Chapter Ninety-three "Walang silbi ang cellphone na ito." Napangiwi kami nang lumipad iyon sa pader. Badtrip na badtrip si Nevara at siya ang nagbato ng cellphone ni Fely. "Walang call logs. Walang mga messages. Kahit pa iyong mga deleted messages ay wala. Iyan ba talaga ang cellphone niya?" "Nevara, relax. Baka may iba pang cellphone si Fely kaya wala kayong makita d'yan." Chill lang na ani ko sabay yakap sa braso ng asawa ko. "Nakakainis." Umupo si Nevara sa couch. Pabagsak pa. Bakas talaga sa mukha nito ang pagkabwisit. "Mukhang ingat na ingat din ang isang iyon." "That's for sure. Hinding-hindi no'n hahangarin na masira ang mga plano nila." Oo nga pala, kanina pauwi sila'y may mga bumuntot na naman sa sasakyan nila. Medyo nag-alala ako roon. Saka lang ako kumalma no'ng dumating ang