Chapter Seventy-five Quiran Mcfline "Pasok ka, Quiran." Malawak ang ngiti pero mahinhin pa rin ang kilos ni Fely nang pagbuksan niya ako ng pinto ng condo niya. Sa pagpasok ko'y agad kong napansin ang mga laruang nagkalat. Laruan na pambatang babae. Umakto akong hindi pansin iyon, at tuluyang pumasok. "Pasensiya na sa kalat. Ako lang kasi ang narito ngayon." Iginala ko ang tingin ko. Alerto kahit pa babae lang ang kasama ko. "Salamat nga pala't pinagbigyan mo ako na magkausap tayo ngayon. Alam kong sobrang rude na no'ng mga panahong lumalapit ako sa 'yo kahit na kasama mo ang asawa mong si Bituin." "Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa, Fely. Sabihin mo ang kailangan mong sabihin sa akin dahil uuwi rin agad ako sa asawa ko." "Asawa mo... ako dapat iyon, 'di ba?" bahagyang nagsalubong