Chapter Ninety-one "Tinotoo mo na patatayuan mo ng bahay ang loteng ito? Hindi nga rin sa amin ang lote na ito, eh!" nalokang ani ko. Nakatitig ako sa bahay na halos patapos na. Parang pintura na lang ang kulang at gamit sa loob. "Iniutos ko kay Nevara na bilhin at patayuan ng bahay. Iyang nakikita mo ngayon. Idea ni Rosally iyan." Hindi ako makapaniwala. Mas lalo sa sinabi nitong idea iyon ni Rosally. "Kinausap ko si Rosally no'ng time na iyon. Tinanong ko siya kung anong klaseng bahay ang nais niya. Sabi niya ay katulad daw ng maliit na bahay bakasyunan ninyo. Two-story house. May balcony sa harap." At meron nga. "May swing sa left side." Sumilip ako. Naiiyak na ako. Kasi unti-unting nananariwa iyong pinakaespesyal na bahay bakasyunan namin na tinutukoy ni Rosally. Hindi niya nakalimu