Chapter Eighty-seven Fely "Nasaan na? Anong oras na pero wala pa ring Quiran na dumarating dito sa hotel room na ito! Hanggang anong oras pa ba ako rito?" pikon na pikon na tanong ko sa mga tauhan. "Ma'am, nag-stopover pa po sila sa isang hotel. Hindi pa po kami umakyat ng Baguio." Tugon ng tauhan ko na tauhan din ni Quiran, nagtratrabaho ito kay Quiran. Walang idea ang lalaki na ako ang tunay na boss ng taong ito. "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ano lang ba naman iyong i-update mo ako para man lang hindi ako naghihintay at nagmumukhang tanga rito sa hotel room?" kalmado naman ang boses ko. Sanay ako sa ganitong tono. Pero sa totoo lang ay inis na inis ako. Pikon na pikon dahil kanina pa ako mag-aabang. "Ma'am, hindi rin naman po kasi kami maka-contact sa 'yo agad-agad. May mga kas