Nakakagat ako sa kuko ko habang tinitingnan ang binigay sa akin ni Damon na black tube dress. May pares iyong pearl earrings na alam kong mamahalin. Tinititigan ko palang ang damit ay naiimagine ko na ang mangyayari mamaya. Bagay kaya sa akin ito? Pinilig ko ang aking ulo at nilagay sa kama ang dress at pares na stilletos nito. Nagtext muna ako kay mama na may dinner kami ni Damon kaya gagabihin ako. Tulad ng dati ay naglinis muna ako ng bahay. Nagluto ng hapunan para kay mama. Nag laba na din ako ng aking uniform. Saktong natapos ako ay alas sais na. Pawis na pawis ako na pumasok pabalik sa aking kwarto.Kakaiba ang kaba ko ngayon ang dami kong naiisip na mangyayari mamaya. What if,hindi ako gusto ng mamaya niya? What if ,suplada ang mamaya niya? Oh