"H-Hindi ko na alam ang g-gagawin ko Ruru." hikbi ko sa cellphone. Umagang umaga tinawagan ko si Ruru. Wala akong ibang sandigan. Siya lang ang makakapagkatiwalaan ko. Ang bigat sa dibdib. Ramdam ko ang sakit. "Shet talaga yang bruha na yan! Feeling sosyal! E,social climber din naman siya! Ginagamit niya si Damon sa mga luho niya!" Kahit si Ruru ay nagngingit sa galit dahil sa kwento ko. "She's right.." pinunasan ko ang luha sa pisngi. "Hihilahin ko lang si Damon pababa.Hindi kami bagay. Wala akong ipagmamalaki--". "And so? Si Damon naman ang magdedecide kung sino ang gusto niyang makasama habang buhay! Hindi ang mama niya! Isumbong mo kaya?" Umiling ako. "Ayoko nang palalain ang sitwasyon Ru. Isa nalang ang magagawa ko. Gusto kong lumayo.Malilimutan naman niya ako--". "Alam mo Za