Mabilis umusad ang mga araw. 'Nasa punto ako na akala ko panaginip lang ito lahat. Hindi parin ako makapaniwala na 'yong taong hinahabol habol ko noon ay hinahalikan at nahahawakan na ako. Hindi ko pa man tumbok kung ano kami pero sapat na ito sa akin para maging masaya. Hinahayaan ko siyang halikan ako dahil mahal ko siya. Dadamdamin ko nalang ang mga panahon na ganito kami.Nagising sa isang panibagong umaga at naligo na ako at nagbihis. Habang nagsusuklay ay napangiti ako nang nagtext si Damon. From Damon:Goodmorning.Susunduin kita... Malapad ang ngiti ko nang bumaba. Tinignan ko ang aking wallet. Isang libo ang pera ko . Hindi ko alam kung paano ko ito ipagkakasya sa isang buwan. 'Nong kailan ay nakabayad lang ako sa ex