Chapter 5

1433 Words
                                                                  Kung sa pag-ibig,talong talo na ako. Bakit kasi sa taong, hindi na pwede? Bakit sa taong hindi ako makuhang mahalin?     Kung ako lang sana iyong unang nakita niya imbes na si Natalia. Ako kaya ang iibigin niya?     Hindi naman natin alam. Hindi naman natin matuturuan ang puso natin.    Sa parte ni Damon hindi ko siya kayang  turuan na ako ang mahalin dahil tulad ng sabi ko hindi madidiktahan ang puso.     Titigilan ko nalang ba? O ipagtutuloy ko pa? Kung titigilan ko masasaktan pa rin ako. Kung ipapagpatuloy ko ’ganon pa rin. Masasaktan pa din ako.     Ganito ba ako kahirap mahalin? Paano ako sasaya kung siya lang ang kaligayahan ko?     Bakit ba kasi ako, nagmahal ng tulad niya? Kung pwede lang ituon sa iba. Ginawa kuna. Siguro, hahayaan ko nalang hanggang magsawa?     Magsawa ako sa sakit. Ganon na nga siguro.     Iiwas na ako habang kaya ko pa. Pipilitin ko, iiwas na ako.      Ramdam ko ang sakit ng araw sa aking balat habang papunta sa malaking Gym ng HMU.     Hapon na at kailangan na namin ang mag practice ng volleyball.     Wearing our usual PE uniform na kulay dark green na may tatak HMU sa harap at numero at apelyido sa likod.      So nakatatak sa likod ko ay twenty two ,Cordova. Pares ’non ay maikling cycling shorts na kumportable sa bawat galaw ng babae.    "Sabi ko naman sayo e! Alam mo naman na patay na patay iyon kay Natalia. Kundi ,ayan. Nasasaktan ka na naman.."     Pangaral sakin ni Ruru. Kailan lang ba siya nagsuporta sa pagpapakatanga ko? Palagi lang naman niya akong sinesermonan e.     Pero hindi na ako umangal, dahil sa simula palang mali naman talaga ako.     Nirolyo ko pataas ang aking jersey shirt at pinuyod ang aking mahabang buhok.    "Wag kang mag alala titigil na ako.." Malumanay na sabi ko. Para sa sarili ko na rin.     "Bakit may choice ka ba??"     Naiiyak na naman ako.    Pasimple akong tumingala. Para iwasan ang pag patak ng aking luha. Para na rin sa sarili ko iiwas na ako sa kanya.     Iyong katagang binitiwan niyang iyon, tatlong araw na ang nakalilipas ay parang kahapon lamang..    Tila kutsilyong salita iyon na nag iwan ng sugat sa puso ko ng sinabi niya iyon.     Mabuti nadin at naliwanagan ako. Nahimasmasan ako..    Yapak ng sapatos at kalabog ng bola agad naming narinig ng papasok na kami sa gate ng gym.     Agad bumungad sa amin ang mga varsity players kung saan kabilang si Damon.    Pero hindi na ako nag abalang luminga para hanapin siya.Yukong yuko ako habang papatawid sa kabilang bleachers para doon maupo kasama ang ibang kaklase ko.    "Zandria!" Napalingon ako sa likod ko sa tumawag sa akin..    Si Yvone,one of my classmates.    Lumapit ito sa akin at tumabi. Mabait siya sa akin. Isa din siya sa mga top sa room namin.    "Ikaw pala.. Bakit?" Sabi ko at binuksan ang mineral water ko.    "Ano kasi, humingi kasi ng pabor sa akin ang kuya ko. Nalaman niya kasi na magka klase tayo.."        "Ano yun?" I asked.    Napakamot siya sa buhok niya.    "Ah! Ano kasi, kung...kung pwede ka daw bang mayaya niya ma date.." Aniya sa tono na nahihiya.     Her brother Steven Delos Santos? Isang football player iyon at minsan kinukuhang model ng mga clothing brand. Model kung baga.Isa din sa mga ,hinahangan dito.    "Ha? Talaga?" I dont know how to react. Hindi naman ito ang kauna unahang may nagyaya sa akin. Maraming beses na.     "Ay naku! Sabihin mo sa kuya mo. Puwedeng pwede. NBSB iyan! Walang boyfriend very single and ready to minggle." Si Ruru na ang sumagot kahit hindi pa ako nakapag isip.     Ang halakhak ni Ruru ay nawala ng tignan ko siya ng masama.    "Oh.. Ano? Payag ka ba Zand?" Tanong ulit ni Yvone.    Siguro wala namang mawawala kung pauunlakan ko diba? Wala namang magagalit..    Isa pa kailangan ko ring enjoyin ang kabataan ng edad ko.    I nodded.. "Ah,sige."    "Yon oh!" Hiyaw ni Ruru.   Yvons laughed.     "Ay! Salamat! Alam kong .. Masasayahan si Kuya nito. Matagal kanang crush ’non e!"     Yvone took my cellphone number para daw makapag text sa akin kung kailan kami lalabas ng kuya niya.    Pagkatapos ng practice ay pumunta kami sa locker para makapag shower at bihis.    "Kailan daw date ninyo ni Steven ,Zand?" Tanong ni Ruru ,nang naka labas ako ng shower. May mga ibang kasamahan kami dito na puro babae at nagbibihis din. Si Ruru ay tapos na.    " Mag tetext naman daw siya." Sabi ko na pinapatuyo ang aking buhok.    Nakasuot ako ng white vneck shirt at rag shorts na lumalagpas ang bulsa. Pinaresan ko iyon ng black slip on shoes.    "Mabuti, para makalimot ka.."    Tumayo ito at tinignan ang kanyang wristwatch.     "Hala, mauna na ako Zands ha? May dadaanan pa pala ako e."    "Okay."    Pagkatapos kong magligpit ay binitbit kona ang aking shoulder bag na may lamang ilang notebook at PE uniform ko.    Basa ang buhok ko na hinihipan ng hangin ng lumabas ako.     Wala nang katao tao,dahil malamang umuwi na ang mga iyon or tumambay sa starbucks or Mc’do sa labas.    Papalagpas na ako sa locker ng mga lalaki ng pagliko ko ay halos mapamura ako dahil nabangga ko ang isang silya na kung saan nakaupo ang isang lalaking iniiwasan ko.    "I-I'm sorry.Hindi kita nakita." Sabi ko na ngumiwi.    He did not say a word tinignan niya lang ako na tila isa akong puzzle sa kanya. Na tila binabasa niya ang nasa isip ko. Na tila tagos hanggang kaluluwa ko.    "Pumayag ka makipag date?"     Paano niya nalaman? Narinig ba niya ng nasa gym kami?    "Huh?" I cleared my throat.     "Oo e, wala namang masama . Tsaka, friendly date lang naman."   "Friendly date? He's hitting on you, obviously."    Ano naman sa kanya ngayon? Anong pake niya? Pagkatapos niyang sabihin iyon? Anong akala niya sa akin?     "Hindi  ko naman sasagutin. Isa pa, I am free to do what I want.Kaya mag dedate kami. He's single and I'm single kaya wala ka ng pake doon. " sagot ko sa kanya na ikinatahimik niya.    Dahil natamaan siya.    "Wala akong sinabi na may pake ako." Madiin na sabi niya at tumalim ang titig sa akin.    Napasinghap ako sa sinabi niya.    Alright,wala nga siyang pake. Kahit nga masaktan ako wala siyang pake. Kahit nga ngayon na nasaktan ako.    Lumunok ako at yumuko sa napagtanto.     "Pasensya na.. Aalis na ako." Paalam ko..     Aalis na sana ako pero, hinila niya ang pulsohan ko.    "Gusto mo ba siya?" Bakit niya na tanong iyan?     Lito ko siyang tinignan hanggang sa umahon siya sa silya at lumapit sa akin. Nanatili pa rin ang kamay sa aking pulso.    Kaya napapatingala ako sa kanya.    "Gusto mo ba siya?" Ulit na tanong niya at medyo humigpit ang hawak sa aking pulso.    Bakit ba ganito siya ngayon? Kung may problema siya wag niya akong idamay..    "H-hindi.. " sagot ko.    Hinaklit ako at sa isang higlap at inangkin na naman niya ang labi ko.    God damn it! Kung kailan ayoko na? Kung kailan nakapag isip na ako? Ano na naman ito?    Halos mapaurong ang ulo ko sa bawat pagsulong ng halik niya at sa isang hila ay hinila niya ako papasok sa boys locker room....at hinalikan na naman ako ulit..      Halos hindi maproseso ng utak ko ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon..    Sasabog na yata ako sa sobrang tambol ng puso ko.    Hindi ko inexpect ito..     Pipikit na sana ako ng' makitang may dalawang lalaki pala dito sa loob ng locker room..    f**k!    Mabilis pa sa kidlat kong tinulak si  Damon.    "May t-tao.."  Pero si Damon ay hindi nagpatinag. Nakayakap parin sa akin ang dalawang kamay niya.    "Fuckers."  Dahil nakatalikod siya doon at ako ang nakaharap.     "Radleigh.. Clinton.. Get out.." Madiin na sabi ni Damon.    Sumipol si Radleigh.Kilala ko ang isa sa mga pinsan ni Damon. Napaka playboy ’rin ng isa na ito e.     Madalian silang nag suot ng t-shirt at niligpit ang gamit.     Rad tapped Damon shoulder.    "Hokage move huh?"  Clinton chuckled.. at kumindat pa sakin.    "Soft core Damon." Sabi naman ni Clinton at lumabas na sila.     Halos mapalunok ako ng laway ko ng dumako ang tingin sa labi ko.    Oh god.. What now?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD