Pinulot ko ang mga nagkalat na aming damit sa sahig. Binalingan ko si Damon na himbing na himbing na natutulog.Umusbong ang saya sa aking sistema. Nakadapa siya sa kama at kitang kita ko ang makisig niyang likod. Pagkatapos kong magligpit ng damit naming nagkalat pumasok ako sa banyo. Hapon na kami dito nakarating at dahil sa pagod nakatulog kaming dalawa.Pagkalabas ko ng banyo tulog parin si Damon. Hinawi ko ang kurtina na nakaharang sa sliding door patungong veranda. Naakit ako sa kulay orange na kalangitan at papalubog na ang araw. Napagpasyahan ko na bumaba na muna. Mukhang puyat na puyat kasi si Damon. Maybe I can cook,pagkatapos kong maglibot. Naglalakad lakad ako sa mapinong buhangin habang hawak ang aking kulay pink na polaroid camera. Ang malaking hotel na tinutuluyan n