"Ma kinakabahan ako." My heart hammered inside my chest. Parang hihimatayin ako sa sobrang kaba. I am wearing my wedding gown. May pares na gwantes at belo na nakatabing sa aking mukha. Nagmistulang carpet ang mahabang saya ng aking gown. Pinaghalong gold at white ang aking gown na gawa pa ni Felixxe Birorne’. Sikat na mananahi ng Paris. Kung ako ang papipiliin ,mas gusto ko ang mura. Alam kong halos million ang bayad ni Damon dito. Isahang suot lang naman to. Bakit gumastos pa ng malaki? Nangingislap ang mga mata ni mama na nakatingin sa akin. Nanginginig ang kamay na kinulong ang aking palad na nasa kandungan ko. "Alam mo,yan rin ang nararamdaman ko ‘nong kinasal kami ng papa mo." Suminghap siya at tumingala. Pinaypayan ang sarili para hindi maluha. Mapait akong napangiti dahil ma