PABAGSAK na umupo si Autumn sa couch nang makarating na sila sa bahay ni Knoxx. Sinabi nito na roon muna sila sa bahay dahil pupuntahan pa nila ang mga magulang nito. Inimbitahan kasi sila ng mga magulang ni Knoxx na roon mag-dinner sa tahanan ng mga ito. Pinikit niya ang kanyang mga mata at hinilot ang sentido. These past few days, simula nung makita niya muli si Knoxx, parati nalang siyang sumasakay ng kotse tapos every day may pupuntahan. Nakakapagod. “Knoxx, wala ka bang trabaho?” tanong niya habang nakapikit pa rin. Naramdaman niyang umupo ito sa kanyang tabi at pinaandar ang telebsisyon. “Wala naman. MWF sched ko. Today is Tuesday. Bukas ako magdu-duty. Why?” sabi nito sa kanya. Rinig niya na parang may kinagat ang lalaki na ikamulat niy