“SHUT UP,” Autumn said upon sensing Knoxx was about to say something. Tinikom nito ang bibig. “Don’t speak.” Inumang niya rito ang kutsara na may lamang mainit na sabaw. Binuksan naman nito ang bibig. Hindi niya na sana ito susubuan kasi akala niya kaya ng lalaki ngunit nanginginig ang mga daliri nito. Nakasandal ito sa headboard ng kanyang kama at may unan sa likod nito. Knoxx closed his eyes and groaned. Napatingin siya rito. Nakapikit ang mga mata ng lalaki at marahang hinihilot ang sentido. Nag-iwas siya ng tingin at muli itong pinakain. Matapos niyang kumain ay pinagluto niya ito ng mainit na sabaw. Ayaw pa rin umalis ng lalaki. She was about to contact Travis or Kiefer pero wala siyang number sa mga ito. Hindi rin dala ni Knoxx ang cellphone nito. Na