ANG sunod naman nilang pinuntahan ay ang Lake Danao Park. Tuyo na ang kanilang suot nang makarating doon. Nagbayad muna sila ng entrance pati na rin 50 pesos para sa mga paddle boats na pwede nilang sakyan. Tiningnan nila kung anong mga activities ang pwedeng gawin. Napatingin siya sa paligid at nakita ang iilang mga turista na binabad ang mga paa nila sa lake habang nagpapakain ng mga isda. Tinuro niya ang fish feeding. “Knoxx, try tayo nito. Fish feeding ‘tas fish spa pa,” she said and pointed at the said activity. May lumapit naman na staff sa kanila. “Fish feeding po, ma’am? 10 pesos po ‘yong fish food.” Pinakita ng lalaki ang plastic na may laman na fish food. Knoxx got his wallet and gave 50 to the man. “Lima po?” tanong nito. Knoxx nodd